
Kapag siya na kausap ko, hindi na namin namamalayan ang oras. Wala na kaming pakialam sa mga nangyayari sa paligid namin. Hindi rin maalis sa amin ang ngiti sa aming mga labi. Ang sarap ng pakiramdam, na malalaman mong may taong pwede kang samahan habang buhay. Walang sawaan, laging nagsusuyuan, lagi kang liligawan. Sana ganito tayo hanggang sa pagtanda natin. Ang swerte ko, dahil dumating ka sa buhay ko. Ang dami kong natutunan sa relasyon nating ito. Sa apat na taon ba natin, wala akong matututunan upang mas maging matalino sa desisyon na tatahakin? Hindi na sa akin biro ang pagpapanatili ng relasyon natin. Pinapahalagahan ko na ito dahil iilan na lang lalake ang magmamahal ng tapat gaya nito.
Mahal kita, at gaya nga ng sinabi mo kanina.. Alam na natin kung san tutungo ang relasyon na to. :”> I’ll wait for 5 years more.. Kapag 28 na tayo, di na tayo maghihiwalay pa. :”>
(Source: miseriadulce)