

Sa wakas. ^^ Masaya ako. Masaya ako kasi galing na naman sa ipon ko tong pinambili ko nitong cellphone ko. Sa totoo lang, hindi ako mahilig sa phone.. Pero gusto ko, kahit man lang bago magunaw ang mundo ay makaranas ako ng Android phone. Hindi kasi ako yung tipong tao na kapag may bagong cellphone, palit agad or swap. Ok na ako sa kahit isang cellphone in 2 years.. Minsan pa nga tatlong taon kong magagamit yung cellphone. Pero dahil na rin sa medyo huli na ako dito sa kinalalagyan ko eh, minabuti kong i-upgrade na lang din ang cellphone ko..
Maganda siya, magaan. Ganitong cellphone talaga ang tipo ko.. Manipis na sophisticated tingnan (arte haha) Sa totoo lang, mas gusto ko to compared sa iPhone 4S.. Nakita ko na yung iPhone.. Di naman iba sa mga naunang iPhone.. si Siri lang ang naidagdag at iilang upgrades lang.. I’m not against Apple products, I just don’t really admire their phone.. Di ako nagregret na ito binili kong cellphone..
Iiih masaya lang ako. Galing sa pinagpaguran ko ang pinambili ko.. Matatawag kong akin to.. :)
P.S Utang na loob huwag niyong pansinin yung buhok ko. Mukha akong unggoy. huhu.. papahabain ko ulit to.. Mukha na akong Jandi, with layered style hair.. T.T Sabi ko sa baba ng shoulder, sa taas ng shoulder ko ba naman ung length.. huhu nakakaiyak lang.. pahahabain ko to pramis, with bangs. haha.
The original price for this phone is, soooo much like a laptop.. T.T geez.. Good thing is, we have our own network now..