
Happy Monthsary sa akin sa work!! I survived the first month of training.. I’m still under probation. This will only end on March. Oh well, papel di pa pwede magsick leave, or magfile ng bakasyon. Wala rin akong karapatang magbakasyon dahil nakabakasyon ako ng isang taon dito. Kahit na may volunteer service, nagbabakasyon parin ang pakiramdam ko. HAHAHA.
Unti-unti na akong binibigyan ng mas mahirap na task sa trabaho. Nasasanay na ako. Medyo marami lang talaga nangyari kanina sa clinic. Nagkakaintindihan narin kami ng bossing ko. Hindi gaya nun na marami akong mali at nakakalimutan. Sanay na eh, yehey! Nagkakatuwaan narin kaming dalawa kahit na maraming pasyente.. Eh imbes na magreklamo, idaan na lang sa joke.. Kahit korni. ;p
Sa huwebes pupunta kami doon sa pinakamalayong clinic. Magbubus daw kami. For the record, first time ko magbubus dito sa US. ^^ Yay, ganun po kalayo yung isang clinic.
Haaay kahit nakakapagod masaya parin. Kasi kapag napapangiti ko yung mga pasyente, kahit anong pagod mo na, napapawi ito.. :”> Ang sarap ng pakiramdam na hindi sila napapakunot noo sa akin. Haaay.. :”> Anong sikreto? Ngiti ka lang kasi.. Maging malambing.. May sakit na nga yung tao hindi ka pa ngingiti at maging malambing sa pananalita, eh di sasabog na pasensya nun. ^^ Ngiti lang, huwag maging sobrang seryoso. Nakakamatay.
P.S: Kung korni ka, huwag kang mag-alala.. Kasi mababaw ang kaligayahan ng mga tao dito. HAHAHHA.
(Source: miseriadulce)