
Siguro nasa dugo ko na talaga ang hilig ko sa musika. Sanggol pa lang daw ako eh may tumutugtog ng piano sa tabi ko.. Hanggang sa natuto na akong mangapa nung apat na taon na ako. At pagtuntong ng nursery, may weekend piano lesson pang nalalaman si lola. Medyo nanghihinayang ako. Hindi ko na kasi itinuloy nung graduating na ako ng elementarya. Sana tinuloy ko na lang. Pero kahit ganun ang nangyari, tuloy parin ako sa pagtugtog. Pero hindi ko na nagagawa ngayon. Ang lungkot lang. Buti pa sa ilocos, may kuryente man o wala nakakapagpiano ako. Dito sa bahay kahit de kuryente wala. Haaay. Nakakamiss lang magcompose.. May sarili pa akong piano sheet sa bahay maalagay ko lang ang mga notang naglalaro sa utak ko.. Ngayon, sinasulo ko na lang. Madalas naghuhum para mapagdugtong dugtong ko yung himig nito.. Kapag nakuha ko na ulit yung piano, uumpisahan ko ulit ang pagtugtog. Ang aking first love.. Ang aking kinalakihan.. P.s: sorry kung qwertymon. di pa ako sanay sa ganitong teknolohiya. Hahaha