
Ito ang pinakamatamis kong narinig ngayon kahit na marami kaming pasyente kanina. Ito rin ay dapat ilagay sa aking blog. Kaya ikukwento ko na lang.
Kaninang umaga hindi pumasok yung kasama ko dahil may sakit siya. Dapat lang na huwag siyang pumasok dahil kapag pumasok yun, mabibinat lang siya. Kaya kahit hindi pa ako sanay ay pinilit kong gawin yun. Nung una puro negative na ang naiisip ko na baka masisigawan ako o matatapunan ng chart sa mukha na baka sigawan ako ng you’re fired. Mga tipong ganun? Akala ko kasi papalpak ako ngayon.
Umagang umaga pa lang mga 10 na ang nagsi-datingang pasyente. Nung umpisa natataranta ako dahil dalawa ang i-aassist kong provider at medical director pa yung isa. Pero di nagtagal nakukuha ko na ang technique. At I am proud to say na hindi kami naging behind sa schedule kahit na 1 month ko pa lang doon sa clinic (less experience).. Masasabi ko rin dahil sa araw na ito, mas natuto ako at mas nakilala ko ang mga providers.
Lesson? Huwag matakot magtanong. Hindi naman sila mangangagat sa’yo eh. At nalaman kong mas gusto pala niya na nagtatanong ka at huwag maging know-it-all at nagaassume.. Malamang, masama magassume kaya mas mabuti na lang magtanong.
Ending? “Good job Chrismarie!” Ang tamis lang pakinggan. Galing sa medical director ang comment na yun at talagang ito ang kumumpleto sa araw ko.. Now I can sleep without worries.. Pwera na lang bukas.. Sana maganda ulit ang mood nila bukas.. :))
p.s: current mood- Happy banana.. ^^
(Source: miseriadulce)